PHOTOGRAPHY: Intramuros, Luneta, Ocean Park ü

Ilang mga kuha po ito nung gumala kami sa Intramuros, Luneta at Ocean Park...
Kailangan ko po kasi sa class ko sa SSCIO02 (Rizal) yung mga pictures at gagawin daw naming scrapbook!
(Patay na...girls stuff, 'di ako marunong :c)

Tapos sinamahan ako ng bestfriend kong si Donna...


Guys bestfriend kong si Donna,
Donna my bestfriend,
my dear readers...
(Tugsh!)XD









Eto naman po sa may Ocean park...
Malapit na po kasi kaya dumaan na din kami.





Etong shot na 'to sa Ocean park pa rin po,
yun nga lang 'di ko sila kilala hehe...
Natuwa lang ako kasi nung nakita ko sila,
parang tumugtog bigla sa isip ko yung
"Dance with my Father..."






Honestly...
This picture below is a FAKE sunset : p
Eh kasi parehas kaming may Curfew kaya 'di na namin naintay pa si Sunset...
Eh ako naman frustrated kaya ayan...

SALAMAT sa ADOBE PHOTOSHOP CS2...
hehe..XDDD




Eto naman po shots sa Luneta...
sa may Chinese Garden po...




Haha pati pusang nananahimik eh nuh?




Habang ako naman natuwa dun sa may hagdan papuntang FORT SANTIAGO hakhak...
(^-^)v





--jhen♥

Ang FINAL week ng trimester na ito ay...

Sa wakas tapos na ang FINALS… :DDDDD



Actually, nung 22 pa po pero since isang linggong madugo ang sumaakin ng dahil sa exams,
mejo may “hangover” pa ko doon, hanggang ngayon.
Pero OKAY lang, (opo OK LANG, no hard feelings..T.T)

Kailangan naman talagang magsikap para magkaroon ng Scholarship eh, ay este ng magandang kinabukasan pala. In any ways, parehas lang din naman yun. Scholarship and the future, it’s both important.

Lalo na sa mga kagaya ko na ‘di naman Lumelebel up ang salapi haha…XD


Yung tipong tama at sakto lang…Kinakaya.



Para sa mga kagaya ko kasi, parang ganito lang yan eh,..


Walang scholarship, walang future…


Tyaka ganoon naman po talaga ang buhay estudyante eh.

Kung hindi madugo…





…maKESO!! :D (Ayiieeee!! Tama ba? Haha!! wateber)


Bueno, pag-usapan na lang po natin yung after death namin…

ay este yung mga nangyari after ng exams. Kasi ‘pag pinag-usapan natin yung Finals namin eh, maaalala ko na naman yung what the hell na FLAN01 (SPANISH) naming amfufu…


(na naalala ko na nga, ayan…)



Instructions pa lang kasi putok na ata mga ugat-ugat ko…as in nosebleed!!!







Hay…







Anyway,
eto po yung mga nangyari the day after the exams…

Dami po eh, hectic sched. ko nun.
Kaya "i-fast forward" ko na lang yung iba para ‘di masyado humaba itong post ko.

Para hindi din po kayo masyado tamarin magbasa…



A one…a two…a three!
FAST FORWARD (CLICK!!)


Una, ako gising maaga, grabe ala-sais.
ako nag tooth brush,

Tapos ako naligo

Tapos ako lumarga na.

ako deretso paaralan,

dun daw kasi kita bago punta kami
hinulugang taktak.

Doon kami on the spot POEM-MAKING contest.

Kami Isinali Sir. Otep.

sir. Otep wa-show, kasi sya nagpo-proctor ng conflict exams…

Tapos dating-dating na lahat aking mga kasama,

kami alis na.

kami para na ng jeep (wiwit!).

Jeep ‘di patok galing-galing, kami pasok na at upo.

kami nagmuni-muni pa, Antipolo ganda talaga.

 

Habang nasa jeep kami handa na isip.

ako nawindang kay Obed, aking friend.

Sya kasali din contest.

Aba’y nag-speech??? eh poem making nga…

Tapos kami nagkwentuhan.

Politika

kahit theme contest tungkol kalikasan.

Eh kasi paano, natakpan mga campaign flyers, posters etcetera ek-ek ng mga kandidato buo bangketa,poste at daanan.

NATURE Nakoberan na …

(asar. Sila ginawa na scrapbook Antipolo eh…)

Tapos eto kami hinulugang taktak.

ako gulat …

ako lungkot,

laki pinagbago.

falls ‘di na ganoon lakas tubig,

tapos yung tubig ibaba parang may sabon.

mga puno buhay pa naman, kaso ako pakiramdam,

sila hirap hinga?.

Teka, ako alam ako wirdo,

pero iba talaga dating ehh…

Ibang ibang ibang ibang IIBAAAA!!!

(javaman galit na!!!XD)

 



Saan na dating hinulugang taktak??

yun parang Paraiso??

Hulog taktak kasi napabayaan na…

Kagagawan mga tao… as usual.

Ako inis na naman tuloy aking sarili lipi!

Mga pasaway ehh…

Ako isip-isip,

Parang gaya nangyayari iba’t-ibang parte mundo,

Tao pabaya

Tao abuso mundo.

Kaya tao sinisingil na kalikasan.

Tayo mismo nakakalasap sarili abuso…



Hay,..

Kaya ako naisipan!

Ako inspirasyon yun sa gagawing tula.

“Ang Daing at ang Tugon”



ako ‘di nanalo pero sa’kin ok,

kami hindi gusto premyo.

samin tama na nagging bahagi kami.

Kami napakita kami may pakealam sa mundo…







Hahaha!

Pero si Obed nanalo!!!2nd place,

haha kaya sya libre pamasahe pag-uwi…

THANKS OBED!!






STOP (CLICK!!)


Hahaha!!



Hirap magpaka-barok,ako desperado paikli aking post eh...

Pwe pwe pwe!!XD



Haha na-adopt na kaagad sorry…XDDD



Tapos after po ng contest dumeretso na kami sa LORELAND!!:D

At doon ay nagwiwing kami!!
(SWIMMING)



Haha saya-saya,

Natuwa ako kakakawag,

Sa kakahabol ng hininga ko,

Sa kakatakbo namin ng nakayapak lang habang tirik na tirik ang araw.

Kaya pag-uwi ko krabby patty na ang paa ko.



Haha iba talaga ang saya kapag kasama ang mga friends…



Kaso parang may KULANG :’c



Yup,

Bukod kay Nick at sa ibang AFC na ‘di nakapunta nun…





MAY KULANG…
May hinahanap-hanap ang mata ko...
Tugsh!Katangahan,'di ko naman inimbitahan kaya paano sya makakasama?
ADIK.
>.<

END na kasi ng Trimester...
Last day na yun,
And I'm thinking na sana yung linggong yun ng exams,
Kahit papaano may mangyaring
MILAGRO...

na sana magkrus ulit kahit sandali lang ang mga landas naming dalawa.

Kaso ...


...WALA.

Naisip ko tuloy,
kung ano mang mga napagsamahan namin.

It was all just a
TANGENT LINE.






30





--jhen♥






F.I.N.A.L.S na at...

FINALS NA SA TUESDAY!!!
waaaaaaaahhh!!!
at hindi ako makapag-FOCUS!!!

ayos lang 'di naman po ako tinatamad mag-review,
'di po ako ganun...

its just that hindi talaga ako makapag-focus!!!GrRr!!!

parating may kung aneng-aneng na pumapasok sa isip ko.


NAAALALA KO SYA.


hayyy...

naaalala ko tuwing lunch breaks namin, kakain na lang yun magre-review pa.
masipag kasi yun ehh, naalala ko na naman yung tawanan na parang dota lang sa guni-guni ko...


nakakaadik!


nakakapraneng,para na kong engot, magrereview tapos bigla akong magha-hang...


"Rizal is blah...blah...blah..."


"Advertising is,...
blah...blah...blah..."


-OK.

(Patrick the star ikaw ba yan?!??)



hay ewan basta kaya ko toh!!!!
AJA!!!


NEED TO,CAN DO!!


'haha tama na rin sigurong motivation yung scholarship ko,need to study hard.
GOODLUCK sa lahat ng may exams!!

AMApipz,good luck!!


TEAMWORK TOWARDS EXCELLENCE!!
(huh?parang iba na yun enu?hakhak..)



waahhh get out of my head!!












30



--jhen♥

Alin ka sa DALAWA??

Napadaan na naman po ako dun oh!!doon!!doon sa tindahan na 3 linggo ko nang dinadaan-daanan kasi may binabalik-balikan akong stuffed toy...


huhuhu... :'c


Gusto ko talaga yung PENGUIN na andun, kaso mahaba-haba pa ang kailangan kong ipag-antay bago mapuno ang alkansya ko at mabili ko yun.


Ikasasawi ko kapag may nakauna don!!


anyway,dahil sa pananabik ko sa penguin na yun, naisipan ko munang mag-blog.
(Grabe bisyo na to...XDDD)


Kung hindi nyo po naitatanong ay mahilig po ako sa mga hayop mula nung bata pa ako,pero dahil may matindi akong hik-hik, (Hika, as in para akong si Carl ng jimmy neutron pag hinahatake hehe...) eh hindi ako pwede mag-alaga ng mga mababalahibong hayop tulad ng aso, pusa etcetera.Kaya naman natuon ang pagkahilig ko sa mga sea animals specifically, Dolphins at Peguins.


Oppss!!
Lilinawin ko lang po, ang bahay namin ay simple lang, wala pong DAGAT. Baka po kasi iniisip nyo dahil mahilig ako sa Dolphins at Penguins eh may mga tumatalon-talon ng Dolphins at nag-slide na Penguin sa bahay namin....Toinkszz!

Dinaan ko na lang po sa Stuffed toys at kung anu-ano.
(wawa naman ako :((( )
Bedsheet ko,kumot ko,walls ng room ko, lahat basta may image nilang nakalagay pinapatos ko..

Eh what's with them ba?
Well para sa'kin ah,ang dolphins kasi,nagpapakita ng kalayaan. Lalo na kapag tumatalon-talon sila sa ibabaw ng tubig pakiramdam ko nagpi-freefall sila.
Kaya ayun..


Penguins naman kelan ko lang sila kinaadikan...

Si Nickriel kasi eh...
Inimpluwensyahan ako.
Di Ba Nick?Nick!Psst!!haha...
Naka-relate kasi ako sa kanila,
kung papaano sila magmahal.

Ang weird ba? Actually hindi po literal na "Pagmamahal" pero kung ihahambing nyo sa totoong buhay, at kung lahat sana ng tao ganun mag-apply ng principles sa buhay at relasyon...ANG SAYA-SAYA! ikwekwento ko na nga lang!!

Haha...Una sa lahat bago ang kwento kong nobela na naman ata, ipapakilala ko po muna si Nickriel.


Sya po si Nick,..
Nick mga mambabasa ko, guys si Nick.(tugsh!)
Friend ko po sya, bait po yan...
ipagpapatayo ko nga po yan ng sarili nyang monumento 'pag nagkapera ko eh...
sa sobrang bait.
'pag kinausap nyo po yan, para kayong nagbasa ng libro. Yan lang ang masasabi ko.
At oi matinong libro po huh, hindi yung for adult reading only. XDD


ok balik tayo sa kwento ko.
Naitanong nya po kasi sa'kin nung minsang nakatambay kami sa school, sa may e-learn lab after namin mapag-usapan ang aming buhay-buhay...

"Alam mo yung tungkol sa Penguins?"

Sinagot ko naman...

"Alin yung masarap daw karne ng mga penguins kasi matataba sila?.."

"Hindi puro ka naman pagkain eh..."

"Eh anu?"

"Wala naman, gusto ko kasi sila...kung paano sila magmahal...."



Pagkarinig ko nun, TING!Biglang parang may tumunog sa utak ko tapos natuwa ako hehe...
Napalog-out ako ng 'di oras sa facebook kasi naisip ko may matututunan na naman ako kay Nick my prend.

At meron nga...

Sa kanya ko nalaman na ang mga Penguins, buong buhay nila hinahanap nila yung mate nila,tapos 'pag nahanap na nila,'di na sila naghihiwalay kahit kailan...

O diba wagi!!

Tyaka naisip ko,parang ako ay este parang tayong mga tao lang pala sila.

Tulad nating mga tao, hinahanap natin yung talagang para sa'tin tapos kapag mahal na mahal na natin, 'di na tayo humihiwalay pa...

MAHAL NA MAHAL...

yan ang kadalasang dahilan/basehan natin kaya kahit hindi pa sigurado,nasasabi na natin sa sarili natin na "SYA NA".

Kaya kadalasan din,nasasaktan tayo...

Pero natural lang yun di ba?
Kasi sa palagay ko mas normal yun kesa sa...

HALIMBAWA:

Isang taong mahal na mahal "daw" ang bf/gf pero sa tingin nya "Hindi Sya."

BAKEETT??Anu yun 'di sya sigurado?
(dapat sigurado kasi relasyon yung pinasok mo. Unless you're taking care of someone,loving someone so much just to let everything end one day.)

'Di sya kontento?
(Yun lang nasabi nang hindi sya?)

Alam nyang may mga kasunod bf/gf na dadating kaya makakapamili pa sya?
(WOW!Dami options??)

O,sadyang nararamdaman nya lang na hindi din sila magtatagal?
(fortune teller...nakz!)

AWKWARD.

Wala naisip ko lang po...



Pero siguro, ang mga taong ganun ay sadyang bukas lang sa mga bagay na posibleng mangyari...

Kumbaga, tanggap nila na hindi natin hawak ang kinabukasan para malaman ang mga pwedeng mangyari ngayon,sa kasalukuyan. Kaya, mas mabuting huwag masyadong umasa para hindi masaktan...

Tayong mga tao nahahati lang kasi sa dalawa.
Ang nakakasakit at ang nasasaktan.
(Meron bang nagpapakasakit Nick??Meron ba??LOL.)

Kaya huwag mong isipin na ikaw lang ng ikaw ng ikaw ng ikaw ng ikaw ng ikaw ang nasasaktan...


malay mo sa mga nagdaang oras pala, may nasaktan ka na din hindi mo lang alam...


hay ang buhay nga naman talaga...
Eh sa mga PENGUINS may mga ganyang issue din kaya??Mga third party, mga kabit-kabit, priority crisis,third party...yung mga ganun?

Hindi ko din po alam,hindi ko po naiintindihan ang lenggwahe nila. Kaya nag-research na lang po ako sa internet at mejo na-disappoint ako.

sabi po sa nabasa ko mula sa internet, ang Penguins ay merong dalawang klase...

ang mga ADELIE PENGUINS
at EMPEROR PENGUINS,

It is true that ADELIE penguins will have one mate, ONLY ONE mate for their whole life unless the female penguin will die.Take note, i'm emphasizing ADELIE penguins only.

Meaning... may taksil din sa kanilang lipi!!

Ang mga EMPEROR penguins ay nagpapalit ng mate every year...year...year...year...(may echo?)

Every year pa talaga eh no?
Paano kapag nagkita-kita ang mga anak at asawa nila??

(buntong hininga...)
Problema na nila yun.

Naman,..
pati pala sa animalandia may mga ganun.

Wala na po yata talaga tayong magagawa sa laganap na kung aneng-aneng,ay este kung ano-ano sa isang relasyon.
Ang masasabi ko lang...


Huwag po tayong magsawang magmahal ng tapat,dahil nakaranas man tayo ng kabiguan sa mga nagdaang panahon, hindi yun nangangahulugan ng kabiguan buong buhay natin.

May dadating at dadating para tayo'y alagaan at suklian lahat ng mga ibinigay natin. Isang taong ipaparamdam sa'tin na ang hulog ng langit ay para sa mga marunong mag-antay...

Higit sa lahat, kung nasaktan man tayo,
huwag nating gamiting excuse yun para makapanakit din ng iba. Kapag ginawa po natin yun, parang kinasuklaman lang natin ang sarili natin.



So....


IKAW,
alin ka sa dalawa?
may penguin ka na ba?


hay yung sakin ata namumundok pa...
ü




30


--jhen♥

May hinanap pa rin ako...


Buhay na po ulit ako!! :D


GRABE...
Ang tagal ko pong hindi nakapag-post, ang tumal ko tuloy.
Sobrang naging busy po kasi kaming mga masscomm sa iba't-ibang aktibidades sa school,
o mas magandang sabihin....mga IMPORTANTENG aktibidades?

Opo, importante po kasi may kinalaman po yun sa linya namin.
Maituturing na pong isang magandang simula at adbentahe para sa mga kagaya kong kumukuha ng Pangkalahatang Komunikasyon.
Kaya po ang post kong ito ay para sa lahat ng sumoporta, naniwala at nagsilbing Inspirasyon sa akin...

Para po ito sa inyo, sa pamilya ko, mga kaibigan, syempre sa panginoon, at higit sa lahat sa tito ko na para ko na pong tunay na papa...
Pero bago ko po ihatid ang aking buong pusong pasasalamat, gusto ko munang ibahagi sa inyo ang isang imporatante ding bagay na nakapa ko sa puso ko...
"Nakapa" kasi hindi ko po akalaing mararamdaman ko yun nung mga oras na masaya ako, noong pakiramdam ko masaya ako pero wala pala akong dahilan sa mga ginagawa ko...
Sana po makatulong kahit papaano sa mga sitwasyon nyo sa buhay.
(^-^)v

♥♥♥♥♥


Last February, ipinalabas po sa CCP (Cultural Center of the Philippines) ang ginawa naming Trilogy Independent Film entitled: Kuwaresma Pintig at Bakasyon sa produksyon ng MCOM34-'09 (My class).

Nitong March naman po ay ipinalabas ito sa Robinson's Metro East, Cinema2.

At ngayon naman, we're all hoping and praying na sana pumasa sya sa CINEMALAYA...
(Opo, yan po yung sinasabi kong pinagkaabalahan namin nitong mga nagdaang buwan kaya 'di ko masyadong naasikaso ang aking blog.)


Eh ano bang naging parte ko sa pelikula namin?

Ano nga ba...
Ang totoo, hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwalang ako yung sumulat ng PINTIG, na pangalan ko yung lumabas sa screen after and before the film. Kaya 'pag may nagtatanong po sa'kin nyan eh ang tagal ko talaga bago sumagot.
Dati kasi nasa papel lang yung PINTIG, puro corrections ni direk,(HAHA! I MISS HIS RED PEN! :P)..
revisions ko ng ilang part, (baka kasi hindi umubra yung kakornihan ko sa mga manonood kaya mas pinakorni ko pa XD) sa madaling salita...


an imperfect work.



Hindi naman sa wala akong tiwala sa sarili ko pero alam ko pong baguhan pa lang ako at marami pa po jan na mas at super mas magaling pa sa larangan ng pagsusulat kesa sa'kin. Kaya isa ako sa mga sobrang natuwa sa mga resulta. Masayang-masaya po kami kasi bukod sa hindi namin lubos akalain na magiging ganito ka-successful yung film namin eh pinaghirapan at pinagpuyatan po talaga namin ito. Pinagsikapan din po namin itong mairaos dahil hindi kalakihan ang budget namin.



Nakakatuwang isipin na parang kelan lang ay kung saan-saan kami nakakarating para mag-shoot ng pelikula (espanya, marikina,..etc).
Parang kelan lang din ay 'di kami halos natutulog (Zombing zombie!5am-5am??Minsan po umaabot pa ng 7am!ow c'mon XD)...etc.


Tapos ngayon, nakita na namin yung mga sarili at pangalan namin sa Big Screen!!


Kada papuri nagpataba po sa puso namin... Hinding-hindi po namin makakalimutan. Kahit pa may mga comments din na sumubok sa katinuan namin.
(LOL XD)


Bago naman po namin sinimulan lahat, alam na naming hindi yon magiging maganda para sa lahat. Obviously, it is given that we can never please everybody. Ang importante, nai-share po namin yung talent namin at na-appreciate kami kahit papaano sa kabila ng pagiging baguhan namin...



But all in all, its Almost perfect, pero alam nyo, sa dinami-dami ng nakamayan,nakayakap at nakatawanan ko nung gabing 'yon, May hinanap pa rin ako...


Kung iniisip nyo pong hindi ako nakuntento, hindi ko naman po itatanggi yan. Kahit kumpleto na halos ang mga mahal ko sa buhay ng gabing yon, mas naramdaman ko parin yung "Kulang".


Wala kasi dun si tito...


I know its ridiculous to look for someone's face in a crowd knowing that, that person already passed away.


But seriously, i did.


Siguro ganun po talaga kapag alam mo sa sarili mong mas marami kang magagawang magandang bagay kung nandyan lang sana sya sa tabi mo, kung buhay pa sana sya. Yung tipong sa lahat ng ginagawa mo, ma-please mo lang sya, kahit 'wag na yung iba ayos lang. Sya yung idol mo eh, yapak nya yung sinusundan mo, you're tryin' everything to make him proud but now he's gone...



Mula nung mawala si 'papa', ganun pa din naman, I remained active in school, i still do my usual things around PERO, wala na yung puso. Pakiramdam ko,I kept my normal life just because its the done thing to do, kahit ang totoo hindi na.



OO HINDI NA,bakit?
Normal ba yung buhay na wala kang purpose sa mga ginagawa mo? Na lahat nababalutan at motivated na lang ng mga salitang
"KAILANGAN" at "DAPAT"?
Wala na yung
"Kasi masaya ako sa ginagawa ko..."



Gustuhin mo mang magkaroon ng "purpose', saan ka huhugot? Wala na yung inspirasyon mo...



Nakalimutan ko na yung saya sa pagiging "imperfect".Yun yong kahit hari/reyna ka ng sablay eh, may nagmamahal pa rin sayo and still appreciates you heartfully. Ganoon po kasi papa ko eh, 'pag may mali ka, never nyang makakalimutang magpayo at turuan ka kung ano ang pwede mong gawin sa paraang alam nya. At kapag 'di sinasadyang naulit mo yung pagkakamaling 'yon, he would just do the same helping all over again. Walang pagkasawa at ang pinakamasayang part?

He still loves me that much...



Doon ko po napatunayan, na kahit mabigyan ka ng pagkakataon para makaharap at maabot ang mga pangarap mo, tatanggihan mo yun para lang sa mga tao na gusto mong makasama.


Balewala lahat ng papuri at tagumpay kung wala rin lang yung mga taong gusto mong maging proud sayo...kung 'di mo rin lang makakatawanan yung mga taong gusto mong pasayahin.



You'd rather choose to be a "nobody" in the eyes of other people basta somehow, maging "somebody" ka manlang sa mata ng mga mahal mo sa buhay.



That time, i felt hopeless, pakiramdam ko masaya nga mga nangyayari pero it's too late for everything, wala na si papa eh. Pakiramdam ko din walang saysay lahat. Napatanong pa nga po ako eh...
"Para saan pa ba to?"



Nabuhayan lang po ako nung yayain ako nung bestfriend kong pumasok sa loob ng sine para sumilip habang on going yung PINTIG. Narinig ko yung mga comments ng mga tao, napangiti ako... nasabi ko sa isip ko, "parang si papa lang ah..."


Tapos yung mga hagikgik at palakpak nila ng marinig yung mga pakwela kong dialogues, parang gaya ng tawa ni Papa kapag ini-express ko yung sarili ko through jokes...


Maya-maya tapos na lahat ng film, 'di ko na namalayan sa dami ng mga pumasok sa isip ko nun. Lumabas lahat ng masaya, naalala ko ulit si papa.


Pero that time the flashback made me smile...
narealize ko, may direksyon pa rin naman pala ako, meron pang silbi lahat.


Siguro nga wala na si Papa pero nanjan pa rin naman yung mga taong nagmamahal at naniniwala sa akin. Tulad ni papa handa din silang maglaan ng suporta ng walang pagkasawa.

It felt like he's spreaded to people around me so I could still feel his presence through them...

Nawala yung KAILANGAN at DAPAT.
Pumasok na ulit yung KASI MASAYA AKO SA GINAGAWA KO. Hindi naman porket wala na sya eh wala na yung presensya nya sa'kin.

Nasa puso ko parin lahat ng turo, pangaral at lahat ng mga bagay na naibahagi namin sa isa't-isa...Buhay pa, nakakapa ko pa sa tuwing kailangan ko ng lakas ng loob...


I'm so overwhelmed, gusto ko ng umiyak nun kaso naisip ko,.. bukod sa masisira ang make-up ko eh, ayaw ni papa na umiiyak ako... XD




Kung nasaan man sya , alam kong masaya sya para sa'kin and he's proud of me

...AS ALWAYS.



A FACT TO SHARE: ang original pong title ng script ko ay hindi PINTIG kundi,
"SA PUSO MO"...




♥♥♥♥♥♥


Sana po ay may napulot kayo sa post ko, pero hindi pa po tapos yan.
Gaya ng nabanggit ko bago ang aking "melodramatic" words sa itaas,
magpapasalamat po ako sa lahat.

Naglagay din po ako ng ilang pictures taken the night of our film showing sa Robinson's.




SALAMAT PO!!


Sa school ko...



Kay mrs. Carsola na para na naming mami...
Adviser po namin sya sa Org. nag-iisa lang yan. Kahit sobrang pikon na samin supportive pa rin. Almost everyday naha-highblood sa kakulitan namin...
Bait kahit parang bata minsan haha...XD



Eto si Brochie...ay este si kuya cedric. He made everything possible. Bait yan may pagka autistic nga lang minsan hakhak lov yah kuya ced!! XD


(tantantantan...tantararan!)
Si Direk Zig Dulay...
Ang aming kapitapitagang direktor.
Miss you na Direk!! ü


 Sa mama jing ko tyaka kay tita Susan na nag on the way pa from Laguna!!Laguna po talaga just to show their support, eh what time na nagstart yung film, midnight na daw sila naka-uwi. Love yah mama!!(tsup!)





CUTE no?syempre kanino pa ba magmamana...
edi sa TITA!!haha opo pamangkin ko yan...
nagpuyat para sakin...
thank you chriselle!!
with much love baby


Si alexa, friend ko since high school, tatampo kasi 'di ako nakapunta nung Debu nya eh kaya hinatak ko nung Film showing namin haha namiss ko toh, nun lang ulit kami nagkasama. Miss you gurl!!tnx ulit sa pagpunta :)








Sa AFC!!
Love them grabe...
wala ako halos naramdamang tensyon dahil sa kanila nung gabing yun...
Parang naging "Mini AVR" lang ang rob haha!!
AVR po dun madalas ginagawa yung malalaking event sa AMA kaya dami madalas tao...
dun din kami nagpi-P.E



Salamat din sa POSTER namin na maganda!!hehe...




BEHIND THE SCENES PO :)





Sa may Sazi's Bar espanya...




Marikina po, sa bahay ng ate ni kuya ced ;)


 Wala po ako nung kinunan to, yan yata yung wala ako kasi nagaamok na ate ko at sunod-sunod na araw na madaling araw na ko umuuwi...sa Bakasyon po yang scene na yan.



haha nagdadaldalan pa jan sina kuya rowi at kuya arnie oh...
haha!Madaling araw na po nyan, mga 1 am??



AYUN SALAMAT PO ULIT!!!




30



--jhen♥
Related Posts with Thumbnails

I made this widget at MyFlashFetish.com.

 
Home | Gallery | Tutorials | Freebies | About Us | Contact Us

Copyright © 2009 ♥♀Sounds and Echoes♀♥ |Designed by Templatemo |Converted to blogger by BloggerThemes.Net | This template is brought to you by : allblogtools.com | Blogger Templates

Usage Rights

DesignBlog BloggerTheme comes under a Creative Commons License.This template is free of charge to create a personal blog.You can make changes to the templates to suit your needs.But You must keep the footer links Intact.