10 Letters lang po...

First Post ko po ito...
and I'm kin'da nervous hehe... :P


Anyway,
Bilang Buana Mano, let me share to you guys a part of me.
Actually, it's a special part of me.
(YUP...it remained Special, DESPITE of everything. . .)


:)




“It’s all UNEXPECTED”…



Yan lang ang masasabi ko sa lahat ng mga pinagdadaanan ko ngayon.



Nung una ko syang makita? Wala namang espesyal eh… Hindi po sya yung tipo ng kamag-aral na unang beses mo pa lang makita eh gaganahan ka nang pumasok araw-araw. Hindi din sya yung tipo ng mukha na tatatak kaagad sa isip mo o ‘di kaya naman ay gagawan mo ng espesyal na espasyo sa kwarto mo…



Ang totoo, isa lang syang simpleng tao na AKALA ko, pagkatapos ng trimester na yun ay tulad ng iba, “schoolmate” ko na lang din ulit. Dadaan-daanan ka lang at dadaan-daanan mo lang din, minsan ngingiti sa isa’t-isa bilang pagbati tapos yun na yun, back to work na ulit. Ganun naman kasi talaga sa kolehiyo di ba? Minsan busy, minsan sobrang busy, minsan swerteng hindi, minsan naman busy-busyhan lang. Kaya ang mga nakakasama lang natin eh yung talagang mga Kasanggang dikit na o yung mga tao na nag-eeffort makapag-stay sa mga buhay natin…yung mga kaibigan.



Pero heto, NAUNTOG ako kasi yung mga AKA-AKALA ko eh hanggang akala lang pala talaga…Ewan ko ba bakit ako humantong sa ganito. BAKIT NGA BA AKO NAINLOVE SA KANYA??



Nagsimula ata lahat nung una kaming magka-usap…




>:] : “Hala nag-quiz??Di nga? Na-late pa naman ako. Paano daw yung mga hindi nakapag-quiz?”



:p : “Ewan ko nga eh na-late din kasi ako. Teka tatanong ko nga…”



MS.☼ : “Sa lahat ng mga hindi nakapag-quiz, you can take the quiz on tuesday… Class dismiss.”







Ayun, nakakatawa no? Kasi ang babaw… Pero mas natatawa ako! Kasi hindi ko naman gusto/intensyong tandaan yun pero ang linaw-linaw sa isip ko. Totoo pala yung kasabihan… ONLY PRECIOUS MOMENTS COULD LAST. Precious?? Oo precious yun para sa akin, lalo na yung mga araw, linggo at buwan na lumipas matapos nun. Para sa akin yun na ang happiest moments sa buhay ko. Ang babaw ko talaga no? Hayyy….. Sabagay, kahit din naman ako napapatanong. “Bakit ano nga bang masaya sa LUNCH BREAKS??” Ewan ko, siguro sya…



At eto ako ngayon, NAUNTOG na naman, pero this time puso ko na ang nasaktan…and it was left broken. Lahat nagbago eh…kasi lahat ng akala kong PWEDE, eh hindi naman pala talaga pwede. Hindi na din pwedeng ibalik yung dati, may inaalagaan na kasi sya…Hindi ko din itatanggi, hindi ko talaga kayang maging KAIBIGAN lang nya.Mahal na mahal ko sya eh…am I bein’ too childish? Hindi din naman sa hindi ako masaya para sa kanya, pero syempre ang mga alaala nandyan. Sa lahat ng bagay na ginagawa ko naaalala ko sya…at nami-miss ko sya sobra…



Alam nyo ba yung pinakamasakit na part? Yun yung dumating na sa point na alam nya yung nararamdaman ko,but he doesn’t seem to care…T.T Sino ba kasing nakaimbento ng G.M?!? Nalaman ko pa tuloy na …



miss na miss na miss miss na miss



na miss miss na miss na miss miss



na miss na miss na miss na



miss na miss na miss na miss na miss…



na nya yung girl (with super freakin’ out smiling face pa sa dulo.) Pero naiintindihan ko naman eh…Friendship could never equal love though love is present in friendship. Natural din naman sa tao yung kapag may mahal na, wala nang napapansin o nakikitang iba… ako kasi ganun ako. Kaya nga nag-iisa lang sya sa buhay ko.



Naiintindihan ko naman, gasgas na nga yang salitang yan sa bokabularyo ko eh. Kaso, ang pag-intindi kasi sa ISIP at ang emosyon at mga damdaming nararamdaman natin sa PUSO. Kayang-kayang impluwensyahan ng puso ang utak natin, ganun din naman ang utak sa puso pero paano pag nasasaktan kana?Paano kapag mahal na mahal mo na? Makikinig ka pa ba?..



Natatakot ako, kasi mula ng mahalin ko sya huminto ang mundo ko. Daig pa ang traffic sa EDSA, ‘di talaga ako maka-move on. Alam nyu ba yung pakiramdam na kailangan mong kalimutan lahat ng bagay na nakakapagpasaya sayo? Kahit ayaw mo ikaw mismo ang magtataboy nun palayo sa buhay mo kasi alam mong pag hindi mo ginawa mas masasaktan ka…Hahanap-hanapin mo eh, eh kapag tinanngap mo lahat, wala ka ng hahanap-hanapin, pero ang masaklap aandar na ba ulit sasakyan mo?Hindi pa din sigurado…Ganun kasakit…ka-brutal lahat. Kakalimutan mo munang may puso ka.



Eto pa isang ikinakatakot ko,natatakot akong dumating kami sa point na dadaan-daanan na lang nya ko…at ako naman, walang ibang magagawa kundi ang daan-daanan na lang din sya.T.T



Sya yung mukha na kahit’di ko na gawan ng espesyal na espasyo sa kwarto ko maaalala ko pa din sya parati. Kahit matagal ko pa syang ‘di makita sigurado ko maaalala ko pa din kahit pagsimangot nya…Ang lugar kasi nya, nasa puso ko. Ang corny ko na no?.. Pero yun talaga ang nararamdaman ko, and the hell with it.



Pero ganun talaga. HIndi natin pwedeng pilitin mahalin ng isang puso ang isa pang puso na hindi naman nya mahal ng dahil lang sa mahal na mahal sya nito. Parang ganito lang yan eh…Ikaw ba,matanong ko lang, tatalon ka ba sa building dahil lang sa nandun sa baba si DIANA MENESES ng Eat bulaga??Libreng kiss pa daw pag tumalon ka!Buti kung sya yung mahal mo, Eh kaso hindi naman kaya bakit mo gagawin? (Tama ba pagkaka-spell ko?amf.) Tyaka, hindi naman kasalanan ang magmahal, ni hindi rin yun mali …Kahit pa sabihin nating may nasasaktan at hindi naman intensyon nung taong makasakit.



Naniniwala rin naman akong lahat ng bagay nangyayari ng may dahilan eh. Ang Diyos hindi kumikilos para lang may mapanood na eksena. He’s so good and great that he made trials for us to make us stronger and braver…



Malay ko, Hindi talaga sya. Pero ayokong isiping “Baka hindi pa ngayon…” Mahirap kasing umasa, and I believe I’m already through that.



 




COME WHAT MAY…







But I have to let it go and just enjoy the show.


 


….THE SAD SHOW.


 




30



–jhen♥
Related Posts with Thumbnails

I made this widget at MyFlashFetish.com.

 
Home | Gallery | Tutorials | Freebies | About Us | Contact Us

Copyright © 2009 ♥♀Sounds and Echoes♀♥ |Designed by Templatemo |Converted to blogger by BloggerThemes.Net | This template is brought to you by : allblogtools.com | Blogger Templates

Usage Rights

DesignBlog BloggerTheme comes under a Creative Commons License.This template is free of charge to create a personal blog.You can make changes to the templates to suit your needs.But You must keep the footer links Intact.