I'M BACK!!!!

wew....
Haba ng ipinahinga ko dito...
na miss ko po kayo...
sana katulad pa din ng dati dito :))))))


BAKIT PO AKO NAWALA?

hinanap ko lang po sarili ko...
seryoso, ang hirap po kasi yung sulat ka ng sulat kung anung mga tumatakbo sa isip mo tapos ikaw mismo gulong-gulo. Hindi inspired, ewan ko lang po ngayon!! HAHA!!

Pero masaya po ako yun ang sigurado.
Ayun, I'll make this brief para makabwelo sa mga susunod ko pa pong mga post :)))


ummwwwuuaaaahhhhh!!!

Hmmmm...

my site is not growing up with me...
I WANT A NEW TEMPLATE!! XDDDD



I'LL BE BACK GUYS..
wait dor me ok? tsup!

MAKES SENSE...

WELL I THINK I'M JUST GOIN' TO WAIT...


DAMING PROBLEMA NGAYON,
PARANG ANYTIME BIBIGAY NA KO...


BUT STILL, I KEEP IN MIND THAT,


"THINGS CAN CHANGE"








--JHEN♥

RESTARTING: I'm gonna start living my new life... without you.

"The summer is slowly fadin' away...

I can feel the rain coming,

and so my heart feels the pain...

Is it already May?..

Yes it is May."





BEWARE: Malungkot ako sobra. :'c


•••••••••••••••.







"Mahirap magmahal
ng isang taong alam
mong hindi ka naman
mamahalin...



Mahirap tanggapin na
mauuwi lang sa wala
lahat ng mga
pinagsamahan nyo...



Napakahirap isipin
na wala na syang pakialam
sayo kahit alam
nyang mahal mo pa rin sya..."



Yang mga salitang yan pa rin ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko...
sa puso ko.
I can't get over.


Sya lang talaga minahal ko ng ganito...


Nsasaktan ako kasi lahat ng mga kinatatakutan ko nangyayari na.
Dinadaan-daanan nya na lang ako,
at ako naman wala nang magawa
kundi ang daan-daanan na lang din sya.

Tapos eto,nandito na naman ako sa takbuhan ko.
Dito sa maliit kong mundo na kahit kailan
'di nya gugustuhing marating.
Kahit pa sa totoo lang,
halos para sa kanya na rin 'to di ba?

Sa kanya din halos umiikot to...


Masisisi nyo po ba ako?
Dito malaya kong inaalala lahat.
Kahit pa yung mga alalahaning
"Bawal" na para sa puso ko.

Kahit paulit-ulit, walang masamang timpla.
Walang masamang salita,
walang masamang letra...
Mundo ko ito eh.

Lahat galing DITO, (sa puso ko).



Pasensya na po kayo...
Ayoko sanang maging malungkot pero
mahina talaga ako pagdating sa puso ko.
Masayahin ako, nakakakita ako ng
kagandahan kahit sa mga pinaka simple/maliit na bagay pero muli, uulitin ko,
MAHINA AKO PAGDATING SA PUSO KO...


Kaya naman hindi ko na rin po patatagalin pa,
hindi ko na rin po masyadong idedetalye
pa ang lahat. Ang hirap po kasi i-absord,
kaya ang hirap din pon ilabas.
Mahihirapan lang po akong magpaliwanag.

Ang masasabi ko lang,
"MAHAL KITA"
galing sa puso ko yan.


at isa pa................................. :(


I'm never an obssesed woman.

For I love with my heart and not with my mind.

For I love the memories and not the idea.

For I am occupied by love and so will the person that I love but never will be the Vice-versa...



hay...
Naiiyak na naman po tuloy ako.

He made me laugh BITTERLY...

Kasi, hindi nya ako nakilla bilang AKO.
Nakilala nya ako BILANG ISANG BABAENG MAY GUSTO SA KANYA...

...and that's all that I am.
...closest to nothing, ALL ALONG.


Minsan naitanong ko sa sarili ko,
MAY MALI BA SA AKIN?

Alam ko hindi ako maganda,
sobrang kabaliktaran pa nga ng
mga type nyang mapuputi at sexy.
Well kasi may lahi akong Indonesian
(my mom) at Fili-Chi. (my papa). Kaya I have a Morena complextion.
(Pero hindi ko yun ikinakahiya,
PROUD AKO dun.)

O baka naman may mali sa ugali ko?
Sa mga nagawa ko?Sa pakikitungo ko?
I'm not perfect.


hindi ko po talaga alam...


Sana hindi na lang ako ganito magmahal.
Coz once I fall inlove,I'm not moving...

But I'm not in regrets,
kahit kailan hindi ako nagsisi sa pagmamahal na ibinigay ko sa kanya.

Pero syempre, gusto ko pa pong
magkaanak ng tatlo someday.
2 lalaki isang babae...

Kaya kung hindi sya,
paki-fast-forward na lang para 'di ko na sya intayin...


I know this might sound insane,
but my heart really tells me
that we're meant for each other...

Natatakot ako,
What if this love never went away??

WOPZ!!
Teka, baka mapagkamalan na naman akong OBSESS kaya tama na. Its useless anyway...



So eto na yun...
Its time to bid goodbye.
But this time I'm doing this for myself...


Hindi ako pagod,
kahit kailan hinding-hindi ako mapapagod sa nararamdaman ko.

Yes stupidly but that's the truth.
Pero kailangan ko kasi ulit
paandarin yung mundo ko eh.
Kailangan ko syang tanggalin para
umikot naman sa ibang mga bagay yung mundo ko...

Only time could tell if our roads will meet again.
Only time could tell if he would remain the same...

kung magiging sya pa din yung masipag, responsableng panganay nila, matino at walang bisyo, yung tahimik lang pero may ibubuga, yung masaya kasama, yung gentle man, yung mabuting kaibigan...

Yup,
HE'S A VERY GOOD MAN.

My goodbye doesn't mean anything like he's bad. Meron lang syang mga bagay na siguro, hindi sinasadyang gawin.


Hindi ko po sya ipinagtatanggol.


I'm just describing the man that I'm inlove with...


And yes,
I will still love him with all the madness in my soul...
...but FOR NOW it is GOODBYE.


••••••••••••••

"Cause if oneday you wake up and
find that you're missing me,
and your heart starts to wonder where on
this earth i could be.
Thinking maybe you'll come back here to
the place that we'd meet
And you'd see me waiting for you
on the corner of the street

So I'm not moving...
I'm not moving."



Nah...
Ayoko sanang i-include yang kantang yan kahit dedicated ko yan para sa kanya eversince...
Kasi alam ko pakiramdam nya din sya yan...

May inaantay din kasi sya,
Kaya ayun, he will never know that I'm just on the same street... Hindi nya manlang napapansin.
Coz he's also busy waiting...


FOR SOMEONE ELSE.


••••••••••


Start na nang First Trimester
for my Final year in college.
Dami kong natutunan, yun naman ata ang mahalaga.
And I can say that he's my best teacher.

I'm sixteen, I'm still young and my new life starts,


WITH THIS GOODBYE.




30



--jhen♥
I WILL FOREVER MISS YOU......

"Small World. . ."

(-_-)...




 
"Small world..."


Madalas po natin itong marinig di ba?
"Small" daw po kasi halimbawa:

hindi mo akalain na yung bestfriend mo
ay pinsan pala ng maingay nyong kapit-bahay.
Habang yung kapit-bahay nyo namang iyon
ay kapatid pala ng dati nyo ring kapit-bahay
sa dati nyong tinitirhan na nuknukan din ng ingay...


O kaya naman minsan,
nagulat ka na lang kasi napansin mong
yung nakatapon ng ORANGE JUICE
sa damit mo ng mapadpad ka
sa SM LAGUNA kahapon,
at yung nakatapon ng
MAINIT NA KAPE sayo
kanina ay iisa lang,
kawindang di ba??


Nakakatawa man pong isipin pero
nangyayari po talaga ito sa atin sa totoong buhay.
'Di man eksaktong katulad ng mga
senaryong ibinigay ko still,
it happens often times in different ways...


Kaya ngayon, eto naman po ang tanong ko.


 
Sa buhay nyo ba naranasan nyo na pong
mahirapan ng dahil lang sa'ting...
"SMALL WORLD?"


Siguro OO..

kung nakilala nyo na SYA.


SYA na minsang inikutan ng mundo mo...

SYA na nagpasaya sayo...

SYA na minahal mo ng sobra...

SYA na parating laman ng isip mo
kaya wala ka ng magawang matino/produktibo...


. . . . .



SYA na wala ng pake sayo!

SYA na nagpapasakit sa puso mo ngayon!

SYA na gusto mo ng kalimutan!


SYA na PARATI MONG NAKIKITA ...


The reason why you hated the world for being small.


Hay...
'di naman yata talaga maiiwasan yun ehh.
Pero ano nga bang pakiramdam ng nakikita,
nakakasalubong
(at kapag minalasmalas ka pa...
kailangan mo syang makasalamuha)
sa isang lugar ang taong gustong-gusto mo ng kalimutan?

Halimbawa, sa isang Campus?
(yeah right, obviously its my own experience again).



Para sa'kin, these are the best words to describe it:


MASAKIT.MASAKLAP.BRUTAL


Yung tipong nasa kasagsagan ka ng isang
laugh trip with your solid friends at
ang saya-saya nyo talaga sobra ng bigla mo syang
makita pababa ng hagdanan,
nagkatinginan kayo then he just ignored you.
(ouch T.T)

 
Syempre hindi mo ipapahalata na it hit you strikethrough, kasi malulungkot para sayo ang mga friends mo. Tyaka obviously..
You're not supposed to be HURT.


Dyan na ngayon papasok yung tinatawag nating,
Pretentions...

 
Pretentions which are known
for being a good remedy,
pero minsan nagiging dahilan din
kaya tayo naiipunan.


So ang ending, masasaktan pa din tayo at
yung mga tawa natin kahit gaano pa kalulutong,..

 magiging parang Sentence pa rin,
may Period.

Lalo na pag nagsimula na
namang magflashback sayo lahat .


Mahirap, kasi ako hanggang
ngayon nahihirapan pa din.

Pero OK- OK na po ako kahit papaano,
I'm getting along somehow...


Pero bago ko ma-achieve yang ok-ok na yan,
dumaan po muna ako sa mga
kung ano-anong kaututan.
Like...

Making a
"desperate escape".


eh ano ba yung Desperate Escape?
From the word itself...
yun na yun.


Sa sobrang pagka
desperado ko nga po at sa sobrang pagka "SABAW" ng utak ko eh lumipat ako ng school.

Opo.
Lumipat ako ng school...


Nahihirapan kasi akong parati ko syang nakikita eh,
namimiss ko lang sya.

Yung pakiramdam,
parang isang TAO at ang kanyang ELBOW.

Ganito kasi yun, think about this.

The fact that we cannot kiss our elbow is enough to make us realize that some things seem to be
SO CLOSE...
yet they are
BOUND TO BE BEYOND OUR REACH...


Tama di ba?
Totoo yun.

At yung desparate escape na ginawa ko ang resulta.


Alam nyo po kung anong nangyari??


Lalo lang akong nahirapan...
Syempre po kasi pag lumipat ka ng school, panibagong mukha, panibagong lugar, panibagong rules/system,etc.

Sa madaling salita puro ADJUSTMENTS.
Ultimo pagkain sa kantina kailangan kong kasanayan.
(Syempre iba lasa.)

Kaya ayun,
after 2 weeks,
(as in 2 weeks lang...)
Bumalik ako.

Pakiramdam ko nun naging selfish ako.
kasi iniwanan ko na lang basta mga kaibigan ko na parati kong kasama nung mga times na puro ako problema.
(Without even thinking twice.)


Dun ko po na-realize,
na ang PROBLEMA,

HINDI DAPAT TINATAKASAN.
Kasi pag tinakasan lalong 'di masosolusyunan, lalo lang lalala.



Kaya ang maipapayo ko lang sa mga may problema,
(toinksz meron po bang wala?)

Eh 'wag po tayong tumakas,
Tutal 'di din naman po tayo nag-iisa eh.
We have a big daddy UP THERE.
Hinding-hindi nya tayo pababayaan.

Ang kailangan lang po natin ay maging matapang.

Magtiwala din po tayo sa kanya.




Walang bagay ang binuo ng Diyos para lang mawalan ng puwang sa mundo... 


sa madaling salita,
lahat ng bagay may paglalagyan.

Let's just hope that one of these days,
it would all fall into their PROPER PLACES.



30




--jhen♥




 

PHOTOGRAPHY : Bida ang LEAH !! :D

Nung araw po ng linggo (MAY 02, 2010)
ay ipinagdiwang namin ang
ika-18 kaarawan ng isa sa mga pinakamalapit
kong kaibigan na si

LEJANIE SAMSON...

Haha ang saya po nun,
kantahan galore kami,
sarap ng mga pagkain,
tawa ng tawa maghapon...

First time ko din pong
na-meet nang araw na iyon
ang kanyang bagetz na bagetz
pa ding MOTHER haha!!
(para lang po silang magkapatid as in...)
[TEKA SINO ATE???]
LOL.
XDDD


tapos saya pa kasi yung mga kasama ko...
PARTY,
yun lang ang masasabi ko.
PARTY.
(again)

P A R T Y.
haha!!

si JC praning,

SI DUMDUM KUMANTA!!! :D

ako maingay tawa ng tawa...
(modern sisa as always...)

si naman potchie ang bait-bait,
ang sipag-sipag ETCETERA
(syempre jan mama ni gf XD)

si LEAH tili ng tili paano puro album ng DBSK
(uber favorite nya...na favorite ko din...)
[oh my YUNHO :p ]
ang mga regalo sa kanya haha...




sayang nga lang wala si Danna tyaka yung iba amfufu,..


eto po yung iba sa mga pictures
na inedit ko for her...

















Eto naman po ako at sya...
at walang kokontra sa nakalagay.







balloons :DD!





--jhen♥

PHOTOGRAPHY: Intramuros, Luneta, Ocean Park ü

Ilang mga kuha po ito nung gumala kami sa Intramuros, Luneta at Ocean Park...
Kailangan ko po kasi sa class ko sa SSCIO02 (Rizal) yung mga pictures at gagawin daw naming scrapbook!
(Patay na...girls stuff, 'di ako marunong :c)

Tapos sinamahan ako ng bestfriend kong si Donna...


Guys bestfriend kong si Donna,
Donna my bestfriend,
my dear readers...
(Tugsh!)XD









Eto naman po sa may Ocean park...
Malapit na po kasi kaya dumaan na din kami.





Etong shot na 'to sa Ocean park pa rin po,
yun nga lang 'di ko sila kilala hehe...
Natuwa lang ako kasi nung nakita ko sila,
parang tumugtog bigla sa isip ko yung
"Dance with my Father..."






Honestly...
This picture below is a FAKE sunset : p
Eh kasi parehas kaming may Curfew kaya 'di na namin naintay pa si Sunset...
Eh ako naman frustrated kaya ayan...

SALAMAT sa ADOBE PHOTOSHOP CS2...
hehe..XDDD




Eto naman po shots sa Luneta...
sa may Chinese Garden po...




Haha pati pusang nananahimik eh nuh?




Habang ako naman natuwa dun sa may hagdan papuntang FORT SANTIAGO hakhak...
(^-^)v





--jhen♥
Related Posts with Thumbnails

I made this widget at MyFlashFetish.com.

 
Home | Gallery | Tutorials | Freebies | About Us | Contact Us

Copyright © 2009 ♥♀Sounds and Echoes♀♥ |Designed by Templatemo |Converted to blogger by BloggerThemes.Net | This template is brought to you by : allblogtools.com | Blogger Templates

Usage Rights

DesignBlog BloggerTheme comes under a Creative Commons License.This template is free of charge to create a personal blog.You can make changes to the templates to suit your needs.But You must keep the footer links Intact.