May hinanap pa rin ako...


Buhay na po ulit ako!! :D


GRABE...
Ang tagal ko pong hindi nakapag-post, ang tumal ko tuloy.
Sobrang naging busy po kasi kaming mga masscomm sa iba't-ibang aktibidades sa school,
o mas magandang sabihin....mga IMPORTANTENG aktibidades?

Opo, importante po kasi may kinalaman po yun sa linya namin.
Maituturing na pong isang magandang simula at adbentahe para sa mga kagaya kong kumukuha ng Pangkalahatang Komunikasyon.
Kaya po ang post kong ito ay para sa lahat ng sumoporta, naniwala at nagsilbing Inspirasyon sa akin...

Para po ito sa inyo, sa pamilya ko, mga kaibigan, syempre sa panginoon, at higit sa lahat sa tito ko na para ko na pong tunay na papa...
Pero bago ko po ihatid ang aking buong pusong pasasalamat, gusto ko munang ibahagi sa inyo ang isang imporatante ding bagay na nakapa ko sa puso ko...
"Nakapa" kasi hindi ko po akalaing mararamdaman ko yun nung mga oras na masaya ako, noong pakiramdam ko masaya ako pero wala pala akong dahilan sa mga ginagawa ko...
Sana po makatulong kahit papaano sa mga sitwasyon nyo sa buhay.
(^-^)v

♥♥♥♥♥


Last February, ipinalabas po sa CCP (Cultural Center of the Philippines) ang ginawa naming Trilogy Independent Film entitled: Kuwaresma Pintig at Bakasyon sa produksyon ng MCOM34-'09 (My class).

Nitong March naman po ay ipinalabas ito sa Robinson's Metro East, Cinema2.

At ngayon naman, we're all hoping and praying na sana pumasa sya sa CINEMALAYA...
(Opo, yan po yung sinasabi kong pinagkaabalahan namin nitong mga nagdaang buwan kaya 'di ko masyadong naasikaso ang aking blog.)


Eh ano bang naging parte ko sa pelikula namin?

Ano nga ba...
Ang totoo, hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwalang ako yung sumulat ng PINTIG, na pangalan ko yung lumabas sa screen after and before the film. Kaya 'pag may nagtatanong po sa'kin nyan eh ang tagal ko talaga bago sumagot.
Dati kasi nasa papel lang yung PINTIG, puro corrections ni direk,(HAHA! I MISS HIS RED PEN! :P)..
revisions ko ng ilang part, (baka kasi hindi umubra yung kakornihan ko sa mga manonood kaya mas pinakorni ko pa XD) sa madaling salita...


an imperfect work.



Hindi naman sa wala akong tiwala sa sarili ko pero alam ko pong baguhan pa lang ako at marami pa po jan na mas at super mas magaling pa sa larangan ng pagsusulat kesa sa'kin. Kaya isa ako sa mga sobrang natuwa sa mga resulta. Masayang-masaya po kami kasi bukod sa hindi namin lubos akalain na magiging ganito ka-successful yung film namin eh pinaghirapan at pinagpuyatan po talaga namin ito. Pinagsikapan din po namin itong mairaos dahil hindi kalakihan ang budget namin.



Nakakatuwang isipin na parang kelan lang ay kung saan-saan kami nakakarating para mag-shoot ng pelikula (espanya, marikina,..etc).
Parang kelan lang din ay 'di kami halos natutulog (Zombing zombie!5am-5am??Minsan po umaabot pa ng 7am!ow c'mon XD)...etc.


Tapos ngayon, nakita na namin yung mga sarili at pangalan namin sa Big Screen!!


Kada papuri nagpataba po sa puso namin... Hinding-hindi po namin makakalimutan. Kahit pa may mga comments din na sumubok sa katinuan namin.
(LOL XD)


Bago naman po namin sinimulan lahat, alam na naming hindi yon magiging maganda para sa lahat. Obviously, it is given that we can never please everybody. Ang importante, nai-share po namin yung talent namin at na-appreciate kami kahit papaano sa kabila ng pagiging baguhan namin...



But all in all, its Almost perfect, pero alam nyo, sa dinami-dami ng nakamayan,nakayakap at nakatawanan ko nung gabing 'yon, May hinanap pa rin ako...


Kung iniisip nyo pong hindi ako nakuntento, hindi ko naman po itatanggi yan. Kahit kumpleto na halos ang mga mahal ko sa buhay ng gabing yon, mas naramdaman ko parin yung "Kulang".


Wala kasi dun si tito...


I know its ridiculous to look for someone's face in a crowd knowing that, that person already passed away.


But seriously, i did.


Siguro ganun po talaga kapag alam mo sa sarili mong mas marami kang magagawang magandang bagay kung nandyan lang sana sya sa tabi mo, kung buhay pa sana sya. Yung tipong sa lahat ng ginagawa mo, ma-please mo lang sya, kahit 'wag na yung iba ayos lang. Sya yung idol mo eh, yapak nya yung sinusundan mo, you're tryin' everything to make him proud but now he's gone...



Mula nung mawala si 'papa', ganun pa din naman, I remained active in school, i still do my usual things around PERO, wala na yung puso. Pakiramdam ko,I kept my normal life just because its the done thing to do, kahit ang totoo hindi na.



OO HINDI NA,bakit?
Normal ba yung buhay na wala kang purpose sa mga ginagawa mo? Na lahat nababalutan at motivated na lang ng mga salitang
"KAILANGAN" at "DAPAT"?
Wala na yung
"Kasi masaya ako sa ginagawa ko..."



Gustuhin mo mang magkaroon ng "purpose', saan ka huhugot? Wala na yung inspirasyon mo...



Nakalimutan ko na yung saya sa pagiging "imperfect".Yun yong kahit hari/reyna ka ng sablay eh, may nagmamahal pa rin sayo and still appreciates you heartfully. Ganoon po kasi papa ko eh, 'pag may mali ka, never nyang makakalimutang magpayo at turuan ka kung ano ang pwede mong gawin sa paraang alam nya. At kapag 'di sinasadyang naulit mo yung pagkakamaling 'yon, he would just do the same helping all over again. Walang pagkasawa at ang pinakamasayang part?

He still loves me that much...



Doon ko po napatunayan, na kahit mabigyan ka ng pagkakataon para makaharap at maabot ang mga pangarap mo, tatanggihan mo yun para lang sa mga tao na gusto mong makasama.


Balewala lahat ng papuri at tagumpay kung wala rin lang yung mga taong gusto mong maging proud sayo...kung 'di mo rin lang makakatawanan yung mga taong gusto mong pasayahin.



You'd rather choose to be a "nobody" in the eyes of other people basta somehow, maging "somebody" ka manlang sa mata ng mga mahal mo sa buhay.



That time, i felt hopeless, pakiramdam ko masaya nga mga nangyayari pero it's too late for everything, wala na si papa eh. Pakiramdam ko din walang saysay lahat. Napatanong pa nga po ako eh...
"Para saan pa ba to?"



Nabuhayan lang po ako nung yayain ako nung bestfriend kong pumasok sa loob ng sine para sumilip habang on going yung PINTIG. Narinig ko yung mga comments ng mga tao, napangiti ako... nasabi ko sa isip ko, "parang si papa lang ah..."


Tapos yung mga hagikgik at palakpak nila ng marinig yung mga pakwela kong dialogues, parang gaya ng tawa ni Papa kapag ini-express ko yung sarili ko through jokes...


Maya-maya tapos na lahat ng film, 'di ko na namalayan sa dami ng mga pumasok sa isip ko nun. Lumabas lahat ng masaya, naalala ko ulit si papa.


Pero that time the flashback made me smile...
narealize ko, may direksyon pa rin naman pala ako, meron pang silbi lahat.


Siguro nga wala na si Papa pero nanjan pa rin naman yung mga taong nagmamahal at naniniwala sa akin. Tulad ni papa handa din silang maglaan ng suporta ng walang pagkasawa.

It felt like he's spreaded to people around me so I could still feel his presence through them...

Nawala yung KAILANGAN at DAPAT.
Pumasok na ulit yung KASI MASAYA AKO SA GINAGAWA KO. Hindi naman porket wala na sya eh wala na yung presensya nya sa'kin.

Nasa puso ko parin lahat ng turo, pangaral at lahat ng mga bagay na naibahagi namin sa isa't-isa...Buhay pa, nakakapa ko pa sa tuwing kailangan ko ng lakas ng loob...


I'm so overwhelmed, gusto ko ng umiyak nun kaso naisip ko,.. bukod sa masisira ang make-up ko eh, ayaw ni papa na umiiyak ako... XD




Kung nasaan man sya , alam kong masaya sya para sa'kin and he's proud of me

...AS ALWAYS.



A FACT TO SHARE: ang original pong title ng script ko ay hindi PINTIG kundi,
"SA PUSO MO"...




♥♥♥♥♥♥


Sana po ay may napulot kayo sa post ko, pero hindi pa po tapos yan.
Gaya ng nabanggit ko bago ang aking "melodramatic" words sa itaas,
magpapasalamat po ako sa lahat.

Naglagay din po ako ng ilang pictures taken the night of our film showing sa Robinson's.




SALAMAT PO!!


Sa school ko...



Kay mrs. Carsola na para na naming mami...
Adviser po namin sya sa Org. nag-iisa lang yan. Kahit sobrang pikon na samin supportive pa rin. Almost everyday naha-highblood sa kakulitan namin...
Bait kahit parang bata minsan haha...XD



Eto si Brochie...ay este si kuya cedric. He made everything possible. Bait yan may pagka autistic nga lang minsan hakhak lov yah kuya ced!! XD


(tantantantan...tantararan!)
Si Direk Zig Dulay...
Ang aming kapitapitagang direktor.
Miss you na Direk!! ü


 Sa mama jing ko tyaka kay tita Susan na nag on the way pa from Laguna!!Laguna po talaga just to show their support, eh what time na nagstart yung film, midnight na daw sila naka-uwi. Love yah mama!!(tsup!)





CUTE no?syempre kanino pa ba magmamana...
edi sa TITA!!haha opo pamangkin ko yan...
nagpuyat para sakin...
thank you chriselle!!
with much love baby


Si alexa, friend ko since high school, tatampo kasi 'di ako nakapunta nung Debu nya eh kaya hinatak ko nung Film showing namin haha namiss ko toh, nun lang ulit kami nagkasama. Miss you gurl!!tnx ulit sa pagpunta :)








Sa AFC!!
Love them grabe...
wala ako halos naramdamang tensyon dahil sa kanila nung gabing yun...
Parang naging "Mini AVR" lang ang rob haha!!
AVR po dun madalas ginagawa yung malalaking event sa AMA kaya dami madalas tao...
dun din kami nagpi-P.E



Salamat din sa POSTER namin na maganda!!hehe...




BEHIND THE SCENES PO :)





Sa may Sazi's Bar espanya...




Marikina po, sa bahay ng ate ni kuya ced ;)


 Wala po ako nung kinunan to, yan yata yung wala ako kasi nagaamok na ate ko at sunod-sunod na araw na madaling araw na ko umuuwi...sa Bakasyon po yang scene na yan.



haha nagdadaldalan pa jan sina kuya rowi at kuya arnie oh...
haha!Madaling araw na po nyan, mga 1 am??



AYUN SALAMAT PO ULIT!!!




30



--jhen♥

4 comments:

KESO said...

naks, yaan mo pgppray ko na makaabot kayo sa cinemalaya, nkkrelate ako sa hirap na dinanas ninyo during the shoot haha, dati kasi nung hs kami may gnyan din kmi, video festival siya. gumagawa din kmi ng short films. haha. grabeng puyat at kung mnsan tiyaga tiyaga na nga lang sa budget pero after nman ng lahat ng paghihirap , kakaibang saya naman ang kapalit after, isama mo pa ang mga bonding moments ninyo with the group. so aun, goodluck goodluck and kung nasaan man ang tito mo, masaya na din naman yun para sayo, bsta keep up the good work. hndi ibg sbhin na porket wla na siya e mawawalan ka na din ng gana sa buhay, dapat nga ay mas maging motivated ka pa lalo at magsilbi siyang inspirasyon sa iyo. so goodluck and godbless. go girl. sana mapanood ko din yang film niyo, hehe

Sendo said...

ayos ah..kunin niyo ko artista kung meron pa kayong gagawin hehe

--jhen♥ said...

oo kuya sendo kunin kitang artista if ever meron pa ulit kami...hehe

--jhen♥ said...

ate KESO haha tnx ng bongga!!tnx!tnx!

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails

I made this widget at MyFlashFetish.com.

 
Home | Gallery | Tutorials | Freebies | About Us | Contact Us

Copyright © 2009 ♥♀Sounds and Echoes♀♥ |Designed by Templatemo |Converted to blogger by BloggerThemes.Net | This template is brought to you by : allblogtools.com | Blogger Templates

Usage Rights

DesignBlog BloggerTheme comes under a Creative Commons License.This template is free of charge to create a personal blog.You can make changes to the templates to suit your needs.But You must keep the footer links Intact.